Nasa 582, 288 katao o 164,430 na pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Egay.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 21,812 katao ang nanatili sa 312 na evacuation centers.
Kabilang sa mga naapektuhan ng bagyo ang mga residente sa 13 rehiyon at 45 na probinsya.
Nasa 14 katao ang nasawi dahil sa bagyo, 13 ang naiulat na nasugatan at 20 ang nawawala.
Nasa 9,429 na bahay at 155 na istruktura ang nasira dahil sa bagyo. Nasa P1.1 bilyong halaga ng imprastraktura ang nasira.
Nasa P832 milyong halaga ng agrikultura ang nasira ng bagyo kung saan nasa 75,000 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.
MOST READ
LATEST STORIES