$3 bilyong railway project nakuha ni Pangulong Marcos sa pagbisita sa Malaysia

By Chona Yu July 28, 2023 - 04:14 PM

 

Tatlong bilyong pisong proyekto ang nakuha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa tatlong araw na state visit sa Malaysia.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, ito ay matapos mapagkasunduan ng Metro Pacific Investment Corp. (MPIC) at Hartasuma Sdn. Bhd. ng Malaysia ang pagtatayo ng rail-oriented projects sa Pilipinas.

“Literally, because of the visit, the President’s presence in KL [Kuala Lumpur] hastened the progress of this agreement and three billion will be pledged for investments into the Philippines,” pahayag ni Romualdez.

Bukod pa aniya ito sa $285  milyong negosyo na nakuha ni Pangulong Marcos mula sa Malaysian business leaders.

Sa ilalim ng kasunduan, sinabi ni Romualdez na nagkasundo ang dalawang kompanya na pangasiwaan ang railway engineering at maintenance, at iba pang rail-oriented projects.

Ang MPIC ay publicly-listed investment management holding company na may mga negosyo sa Pilipinas at South East Asia kabilang na ang power, toll roads, water, healthcare, agriculture, real estate at rail.

Ang Hartasuman naman ay pioneer sa rail industry sa Malaysia.

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Malaysia, Martin Romualdez, railway, Ferdinand Marcos Jr., Malaysia, Martin Romualdez, railway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.