Boat captain ng lumubog na bangka nasa kustodiya ng pulis

By Jan Escosio July 28, 2023 - 03:46 PM
Ang lokal na pulisya ng Binangonan, Rizal ang may hawak sa boat captain ng bangka na lumubog sa bahagi ng Laguna de Bay sa Binangonan, Rizal. Bunsod ito ng paghahanda sa pagsasampa ng mga kinauukulang kaso laban sa 40-anyos na si Donald Anain, ang boat captain ng Aya Express. Una nang inanunsiyo ni Coast Guard Admiral Armand Balilo na bukod sa kanilang mga tauhan sa kanilang Binangonan Station, kasama din sa kanilang iimbestigahan si Anain. Nabatid na nagsumite naman ng manipesto ng mga pasahero si Anain ngunit higit 20 lamang ang nakalista bago sila umalis ng Barangay Kalinawan. Sa ngayon, 26 ang kumpirmadong nasawi sa trahedya at 40 naman ang nakaligtas.

TAGS: bangka, binangonan, news, Radyo Inquirer, Rizal, bangka, binangonan, news, Radyo Inquirer, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.