Grupo ng mga PDLs sa Bilibid suportado si BuCor Chief Catapang

By Jan Escosio July 28, 2023 - 03:40 PM
Pumirma sa isang manipesto ang mga lider ng mga grupo ng mga bilanggo sa Maximum Security Compound sa National Bilibid Prison na nagpapahayag ng suporta kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang. Nagpahayag din ng suporta ang PDLs kay NBP Superintendent Angelina Bautista. Ang manipesto na may titulong “ Manipesto ng Katotohanan (Pagpapahayag ng mga Lider ng  MaxSeCom)” PDL Joselito dela Cruz, president; PDL Boy Morales, vice president; PDL Edgardo Cadiz, secretary of Liga ng mga Barangay at 11 barangay chairmen. Humingi din sila ng kapatawaran kay Catapang sa nangyaring kaguluhan kamakailan na nagresulta sa pagkamatay ng isa at pagkakasugat ng siyam iba pa. Inihayag ng mga PDL ang kanilang suporta sa mga programa ni Catapang na ang layon ay malawakang reporma sa kawanihan at pambansang piitan. “We also appreciate the reform that they are implementing in the bureau particularly the cleansing of corrupt personnel who made PDLs their milking cow by transferring them of to less sensitive posts,” banggit pa sa manipesto patukoy kina Catapang at Bautista. Nangako din ang mga pinuno ng mga preso na sila na ang magbabantay ng kanilang mga hanay upang hindi na maulit ang insidente.

TAGS: Muntinlupa, National Bilibid Prison, news, PDL, preso, Radyo Inquirer, Muntinlupa, National Bilibid Prison, news, PDL, preso, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.