2 tauhan ng Coast Guard sa Binangonan, Rizal inalis sa puwesto

By Jan Escosio July 28, 2023 - 03:36 PM
Para matiyak na magiging patas ang pag-iimbestiga sa nangyaring trahedya sa Laguna de Bay, inalis na sa puwesto ang dalawang tauhan sa Philippine Coast Guard Sub-Station sa naturang bayan. Ang pagsibak sa dalawang tauhan ay ipinag-utos ni Coast Guard Chief Artemio Abu. Katuwiran ni Abu ang hakbang ay ginawa para hindi maimpluwensiyahan ang pag iimbestiga sa paglubong ng  M/B Aya Princess, na nagresulta sa kumpirmadong pagkamatay ng 26 pasahero. Ang PCG -NCR ang magsasagawa ng imbestigaayon sa pinaniniwalaang kapabayaan sa bahagi ng dalawang Coast Guard personnel. Ang lokal na pulisya ay magsasagawa din ng imbestigasyon para naman sa pagsasampa ng mga kasong kriminal.

TAGS: binangonan, news, philippine coast guard, Radyo Inquirer, Sibak, binangonan, news, philippine coast guard, Radyo Inquirer, Sibak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.