Poe may hamon sa law enforcers sa pagkasa ng SIM Registration law

Ngayon tapos na ang deadline ng SIM registration, sinabi ni Senator Grace Poe na nasa kamay na ng mga awtoridad ang bola para sa epektibong pagpapatupad ng SIM Registration Act.   Partikular na binanggit ng senadora na kung may mga cyber criminals na patuloy na gagamit ng SIM sa kanilang modus, nasa mga awtoridad ang diskarte kung paano tutukuyin, aarestuhin at kakasuhan ang mga ito.   Giit ng namumuno sa Senate Committee on Public Services may mekanismo ang batas na maaring pagbasehan ng mga awtoridad sa pagbabantay ng mga krimen na gagamitan ng SIM.   Dagdag pa ni Poe na may sapat na “safeguards” ang batas para sa proteksyon ng mga konsyumer, kasama na ang kanilang “right to privacy.”

Read more...