Belmonte aminado na hindi ramdam ng mga mahihirap ang magandang ekonomiya

By Isa Avendaño-Umali June 23, 2016 - 08:25 PM

belmonte2
Inquirer file photo

Para kay outgoing House Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang pangunahing hamon kay President-elect Rodrigo Duterte ay kung paano maipaparamdam sa mga ordinaryong Pilipino ang inilalago ng ekonomiya.

Paliwanag ni Belmonte na sa bawat administrasyon, isang mabigat na usapin ay ang tinatawag na inclusive growth.

Ani Belmonte, bagama’t ipinagmamalaki ng outgoing Aquino government ang paglakas ng ekonomiya at pag-angat ng imahe ng bansa sa international community ay limitado ang mga nakakakuha ng benepisyo nito.

Gayunman, sinabi ni Belmonte na huwag naman sanang umasa lamang ang Duterte administration sa pagtaas ng buwis para lamang matustusan ang pagpapalawak ng serbisyo publiko.

Nauna nang tiniyak ni Belmonte na haharangin niya ang pagtaas sa 15 percent sa Value Added Tax dahil ang latay nito ay sa mga mahihirap.

TAGS: belmonte, duterte, inclusive growth, vat, belmonte, duterte, inclusive growth, vat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.