Naging Tropical Storm Khanun na ang tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng tropical storm sa 1,315 silangan ng Eastern Visayas o sa labas ng PAR.
Taglay nito ang hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na 80 kilometro kada oras.
Sabi ng Pagasa, maaring pumasok sa PAR ang tropical storm sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.
Tatawagin itong Bagyong Falcon kapag nakapasok na sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.