Flood control projects ipinasisilip ni Sen. Joel Villanueva sa Senado
By Jan Escosio July 28, 2023 - 07:57 AM
Nais ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na mabusisi sa Senado ang mga plano at programa ng gobyerno laban sa baha.
Kabilang sa mga nais masiyasat ni Villanueva ang drainage system at flood control projects sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa na madalas lumubog sa baha.
Sa Senate Resolution 693 ni Villanueva, inaatasan na imbestigahan ‘in aid of legislation’ ang mga nabanggit na proyekto dahil sa patuloy na paglubog sa baha ng maraming lugar sa Metro Manila.
Binanggit niya na sa 193 bansa sa buong mundo, ang Pilipinas ang nangunguna sa World Risk Index.
Pagdidiin niya madalas din ang pagbaha sa Pangasinan, Pampanga, Bataan at Bulacan at naranasan din ang pagbaha at pagguho ng lupa sa Lanao del Norte, Zamboanga City, Cebu City at Davao City.
Tinukoy pa sa resolusyon na marami nang ginawa at ikinasang proyekto ang gobyerno para solusyunan ang matinding pagbaha gayundin ay napakarami na ring pag-aaral sa loob at labas ng bansa ngunit paulit-ulit lamang ang problema.
Binigyang diin din sa resolusyon na dahil sa dami ng proyektong ginawa para sa drainage at flood control ay kailangan na itong maimbestigahan ng Senado.
Binigyang diin din sa resolusyon na dahil sa dami ng proyektong ginawa para sa drainage at flood control ay kailangan na itong maimbestigahan ng Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.