Graft vs. North Cotabato Governor umusad na sa Sandiganbayan

gov.-emmylou-mendoza
Inquirer file photo

Lilitisin na ng Sandiganbayan sa kasong katiwalian si North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza matapos ibasura ang motion for judicial determination for probable cause nito.

Sa resolusyon ng 1st division ng Sandiganbayan, sinasabing may probable cause o basehan ang kasong isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay Mendoza para iharap ito sa paglilitis.

Ang kaso ni Mendoza ay kaugnay sa umano’y pagbibigay nito ng pabor o direktang paggawad sa Taliño-Shell gas station na pag-aari ng ina nito ng kontrata para sa kailangang diesel ng provincial government ng North Cotabato at hindi ito idaan sa bidding.

Hindi kinatigan ng korte ang argumento ni Mendoza na nagkamali ang Ombudsman sa pagsasampa ng kaso dahil wala namang damage na naidulot ang transaksyon sa kanilang lokal na pamahalaan.

Katwiran ng korte, kahit pa walang damage na idinulot sa probinsiya ang transaksyong ay dapat pa ring maharap sa kasong katiwalian si Mendoza dahil nagbigay ito ng unwarranted benefit, advantage o preference sa gasolinahan ng sariling nanay.

Isinantabi naman ng korte ang hiling ni Mendoza na huwag muna siyang isyuhan ng warrant of arrest dahil moot na ito bunsod ng pagpipiyansa na noon ng gobernador ng P90,000.

Si Mendoza ay naging kontrobersyal dahil sa Kidapawan tragedy, na ikinamatay ng maraming magsasaka.

Read more...