KUALA LUMPUR, MALAYSIA–Apat na oras na maantala ang pag-uwi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa tatlong araw na state visit sa Malaysia.
Alas 2:30 ngayong hapon sana ang uwi ng Pangulo.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, makikipagpulong pa kasi ang Pangulo kay Sultan Ibrahim Iskandar, Sultan of Johor.
Sabi ni Garafil, personal na pagbisita ang gagawin ng Pangulo dahil kaibigan niya ang Sultan.
Dahil dito, 11:00 pa mamayang gabi ang dating ni Pangulong Marcos sa Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.