Dagdag sa calamity fund hindi dapat tingi-tingi – Imee
By Jan Escosio July 27, 2023 - 02:37 PM
Upang maging mabilis at maayos na magagamit, sinabi ni Senator Imee Marcos na dapat ay isang bagsak na lamang ang pagdaragdag sa quick response fund (QRF) na ginagamit ng mga ahensiya at lokal na pamahalaan tuwing may kalamidad.
Sinabi ito ni Marcos matapos niyang ibahagi ang pananalasa ng bagyong Egay sa Hilagang Luzon at epekto ng habagat sa ibang bahagi ng bansa.
Nais ng senadora na matuldukan na ang nakasanayan na patingi-tingi na dagdag sa calamity fund ng mga kinauukulang aahensiya, partikular na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Marcos ngayon nalalapit na ang pagtalakay sa taunang budget ng mga ahensiya makakabuti na ikunsidera sa pagdadagdag sa calamity fund ang tumitinding kalamidad.
Kasabay nito ang kanyang pag-apila na maamyendahan na ang building code at building standards dahil sa epekto sa panahon ng climate change.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.