Higit P235-M investments nasungkit sa state visit sa Malaysia
By Jan Escosio July 27, 2023 - 01:03 PM
Kuala Lumpur, Malaysia – Nasa P235 milyon halaga ng investment commitments ang nakuha ni Pangulong Marcos Jr. sa tatlong araw na pagbisita sa Malaysia.
Ito ay matapos makausap ni Pangulong Marcos ang mga negosyante sa Malaysia mula sa sektor ng agrikultura, transportasyon at teknolohiya. “The investment commitments that we have received as far are valued at around $235 million, which is a good indication that there is a strong interest from Malaysia to invest in the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos sa Philippine Business Forum. “The engagement with Malaysian companies and business leaders yielded interesting and what I believe will provide… have a potential for mutual beneficial outcomes for both Malaysia and the Philippine companies,” dagdag ng Pangulo. Sabi pa ng Pangulo, patuloy na tutulungan ng Pilipinas ang mga Malaysian investors para sa magandang kolaborasyon.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.