Health Facility Plan ipinakakasa ni Pangulong Marcos Jr.
By: Chona Yu
- 1 year ago
Kuala Lumpur, Malaysia – Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan pati na ang local government units (LGUs) na ikasa ang health facility plan na naglalayong magtatag ng medical facilities.
Base sa Memorandum Circular No. 26 na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin, dapat na sumunod ang lahat sa Philippine Health Facility Development Plan (PHFDP) 2020-2040.
Saklaw nito ang lahat ng concerned agencies at instrumentalities ng National Government kasama na ang government-owned or -controlled corporations.
Inaatasan din ang Department of Health (DOH), sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpalaganap ng impormasyon kaugnay sa epektibong implementasyon ng PHFDP.