Malaking tulong ang pag-ulan dulot ng bagyong Egay at habagat para tumaas ang antas ng tubig sa walong malalaking dam sa Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Nabatid na ang water levels sa Ipo Dam, Ambuklao Dam, and Binga Dam ay naitala sa 101.2 meters, 751 meters, at 574.63 meters mula sa 99.5 meters, 746.43 meters, at 568.52 meters, noong Martes.
Bunga nito, naglabas na ang PAGASA ng babala ukol sa posibleng pagbaha dahil magpapakawala ng tubig ang tatlong nabanggit na dam.
“The water level of Ipo Dam as of 8 a.m. is 101.2 meters and continuously rising due to the expected rains caused by the current weather system. With this development, Ipo Dam will conduct spilling operation, with one spilling gate to open at 11 a.m., with an initial discharge of 61 cms (cubic meters per second),” ayon sa inilabas na abiso ng PAGASA.
Inabisuhan na ang mga lokal na pamahaalan sa gilid at malapit sa Angat River sa bayan ng Norzagaray sa Bulacan na maging alerto.
Ito ang mga bayan ng Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy pawang sa Bulacan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.