Alas-kwatro ng hapon kanina ay sinimulan sa Senado para sa necrological service para kay dating Senate President Ernersto Maceda.
Unang magbibigay ng eulogy si dating Senador Rene Saguisag na susundan ni dating Senador Orly Mercado.
Magbibigay din ng eulogy si dating Sen. Francisco Tatad na susundan naman nina Senador Gringo Honasan at minority leader Juan Ponce Enrile.
Kasunod nito ay magkakaroon ng presentation ng resolusyon ang Senado para sa pamilya Maceda.
Huling magbibigay ng eulogy si Senate President Franklin Drilon at susundan ito ng response ng anak ng namayapang mambabatas na si Edward Maceda.
Naging Senate President si Maceda mula 1996 hanggang 1998, naging Senate President Pro-Tempore noong 1992 hanggang 1993, naging minority leader noong January 1998 hanggang June 1998 at unang beses na nahalal na Senador noong 1987.
Si Maceda na kilala sa tawag na Mr. Expose’ ay naging kalihim din ng iba’t ibang mga kagawaran sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino.