Bagyong Egay nanghina, papalabas na ng PAR

Huling namataan ang bagyong Egay sa distansiyang 195 kilometro ng Basco, Batanes at taglay na lamang ang lakas ng hangin na 195 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na 185 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometro kada oras sa direksyon na Hilaga-kanluran at ang lawak ng epekto nito ay lumiit sa 630 kilometro mula sa gitna. Nakataas ang Signal No. 2 sa Batanes, Cagayan ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, at ang hilaga at gitnang bahagi ng   Ilocos Sur (Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, City of Candon, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, San Ildefonso, Galimuyod, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria, Narvacan) Samantala, nasa Signal No. 1 naman sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Mountain Province, Ifugao, Benguet, the rest of Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, at hilagang bahagi ng Zambales (Botolan, Iba, Candelaria, Cabangan, Palauig, Santa Cruz, Masinloc) Ngunit may mga pag-ulan pa rin sa hilagang bahagi ng Gitna at Timog Luzon dahil sa habagat na pinaiigting ng bagyong Egay. Inaasahn na lalabas na ng Philippine area of responsbility ang bagyo ngayon umaga at maaring tumama sa kalupaan ng Fujian, China bukas.

Read more...