Storm surge warning sa Northern Luzon dahil sa bagyong Egay inilabas, pagbaha ibinabala

By Jan Escosio July 26, 2023 - 07:15 PM

BUREAU OF FIRE PROTECTION PHOTO

Sinabi ng PAGASA na malaki ang posibilidad na magkaroon ng storm surge sa coastal areas ng Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, at ilang bahagi ng Isabela at  Ilocos Sur dahil sa bagyong Egay.

Maaring umabot sa tatlong metro ang taas ng storm surge at maaring magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar ng mga nabanggit na lalawigan.

Kasabay nito, sa inilabas na 5pm tropical cyclone bulletin, ang sentro ng bagyo ay namataan sa distansiyang 70 kilometro Kanluran-Hilagang Kanluran ng Calayan, Cagayan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 240 kilometro kada oras.

Bahagyang bumagal ang bagyo sa 10 kilometro kada oras na pagkilos sa direksyon na Hilagang-kanluran.

Gayunpaman, ang lakas ng hangin na taglay nito ay nararamdaman sa lawak na 700 kilometro.

Nanatiling nakataas ang Signal No. 4 sa mga bayan ng Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, at Santa Praxedes kasama na ang Babuyan Islands sa Cagayan at sa mga bayan ng Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, at Adams sa Ilocos Norte.

Magiging malakas pa rin ang buhos ng ulan sa mga nabanggit na lugar hanggang bukas, gayundin sa Batanes, Ilocos Sur, ibang bahagi ng Cagayan, Apayao, Abra, Zambales, at natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region at Ilocos Region

 

 

TAGS: egay, Pagasa, signal no. 4, super typhoon, egay, Pagasa, signal no. 4, super typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.