Poso-negro, “mass grave” sa loob ng Bilibid?

By Jan Escosio July 26, 2023 - 03:17 PM

Nagmistulang “mass grave” sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) ang isang poso-negro sa Maximum Security Compound.

Kasunod ito nang pagkakadiskubre ng mga labi ng tao sa loob ng poso-negro.

Sa isang panayam, sinabi ni Deputy Director for Operations Angelina Bautista na hindi pa madedetermina kung ilan ang tao ang isiniksik sa poso-negro.

Paliwanag niya kailangan na sipsipin ang poso negro at salain ang mga bagay na makukuha.

Aniya ang gagawa nito ay Maynilad at pagkatapos ay sasailalim sa forensic examination ng NBI ang pinaniniwalaang mga bahagi ng tao na makukuha.

Nabatid na tanging ulo lamang ng tao ang kasya sa butas ng poso-negro.

Nadiskubre ang laman ng poso-negro sa paghahanap sa nawawalang bilanggo.

Sinabi pa ni Bautista na inaalam na nila ang bilang ng mga napa-ulat na nawawalang bilanggo sa mga nakalipas na taon.

Samantala, kinumpirma ng opisyal na isa ang namatay, samantalang may siyam na nasugatan sa kaguluhan kagabi sa Maximum Security Compound.

 

 

 

TAGS: Bilibid, mass grave, septic tank, Bilibid, mass grave, septic tank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.