Filipinas pinuri ni PBBM sa unang panalo sa FIFA World Cup

By Chona Yu July 26, 2023 - 12:40 PM

FIFA FB PHOTO

Kuala Lumpur, Malaysia–Nagpaabot ng pagbati si Pangulong  Marcos Jr. sa makasaysayang pagkakapanalo ng Women’s National Football Team laban sa New Zealand sa FIFA Women’s World Cup.

Ito ang unang pagkakataon na nakapuntos ang Pilipinas sa World Cup. “Congratulations to our Philippine Women’s National Football Team on their historic triumph against New Zealand at the FIFA Women’s World Cup today!” pahayag ng Pangulo. Sabi ng Pangulo, nabuwag ng Filipinas ang barrier at nagbigay ng inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon. Bagamat natalo sa unang laban sa Switzerland, sinabi ng Pangulo na nag move up naman ang Filipinas. “A momentous first-ever World Cup win for the Philippines! Mabuhay ang Filipinas!” pahayag ng Pangulo. Matatandaang historic debut ang ginawa ng 22-strong women football team nang talunin ang host country na New Zealand dahilan para makapasok sa semifinals. Ito ang unang pagkakataon na sumali ang Pilipinas sa Global tournament sa nakalipas na 42 taon. Dahil sa pagkakapanalo ng Filipinas, posibleng makapasok ito sa qualifying matches kapag natalo ang Norway sa Hulyo 30.

TAGS: FIFA World Cup, FIFA World Cup

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.