Super bagyong Egay lumapag sa Dalupiri Island, Cagayan
By Jan Escosio July 26, 2023 - 12:34 PM
Asahan na magpapatuloy ang malakas na buhos ng ulan sa hilagang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Island, hilagang bahagi ng Apayao, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur matapos ang pagtama ng bagyong Egay sa Dalupiri Island, Cagayan.
Magiging maulan din sa Batanes, hilaga at gitnang bahagi ng Cagayan, natitirang bahagi ng Apayao, kanluran bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Benguet, at La Union
Sa 11am weather bulletin ng PAGASA, ang mata ng bagyo ay nasa karagatan ng Aparri, Cagayan. Taglay pa nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 km/h at bugso na 240 km/ h. Nakataas pa rin ang Signal No. 4 sa ilang bahagi ng Cagayan, Babuyan Islands, Apayao, at Ilocos Norte. TDisclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.