NCRPO at Bulacan PNP operatives muntik nang magbarilan
Bumuo ng isang committee ang Philippine National Police (PNP) para paimbestigahan ang muntik nang enkwentro sa pagitan ng mga operatiba mula sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Bulacan PNP kahapon.
Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, binubuo ang committee ng 10 katao na pinangungunahan ng Deputy Regional Director for Administration bilang chairman, habang vice chairman naman ang hepe ng Regional Intelligence Division ng Region 3.
Inaatasan ang nabanggit na komite na imbestigahan ang naganap na insidente at repasuhin ang procedure o proseso ng pagsasagawa ng mga police operations.
Muntik ng magbarilan ang mga miembro ng Bulacan PNP at mga operatiba ng NCRPO Regional Anti-Illegal Drug Group (RAID) sa Baliwag, Bulacan kahapon matapos na matunugan ng Bulacan PNP na may magaganap na transakyon ng ilegal na droga sa area.
Hinarang ng Bulacan PNP ang sinasakyan ng hinihinalang mga drug suspects na nagkataon palang mga operatiba ng NCRPO RAID na mayroon din sanang isasagawang sariling anti-illegal drug operation sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
