Pangulong Marcos Jr., humarap sa Pinoy community sa Malaysia

By Chonan Yu July 26, 2023 - 10:52 AM

PPA PHOTO

Kuala Lumpur, Malaysia—Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. ang buong suporta ng pamahalaan sa mga overseas Filipino workers (OFWs)  at sa kanilang pamilya dito.

Pahayag ito ni Pangulong Marcos sa pakikipagpulong sa Filipino community at aniya  palalakasin  ang ugnayan sa mga kapitbahay na bansa para matiyak ang kapakanan ng mga OFW. “Kaya’t ito po, isa na ito na ating pag-iikot upang siyempre kailangan nating pagtibayin ang relasyon ng Pilipinas at saka ng Malaysia. Unang-una dahil napakaraming Pilipino rito. At kailangan nating tiyakin na lahat kayo ay naaalagaan at lahat kayo ay maayos ang kabuhayan at nabibigyan ng mga pagkakataon,” dagdag pa nito. Sabi ng Pangulo, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga OFW. “Kaya naman kailangan talaga kayong pasalamatan, dahil ang naging reputasyon ng Pilipinas ay gumanda nang gumanda dahil sa performance na ginagawa ninyo at inyong pinapakita sa mga taga-rito. Sa mga taga-Malaysia, kung saan man, taga-Middle East, kung saan sila, taga-Europe, sa America. Pare-pareho,” pahayag ng Pangulo. “Lahat-lahat ay sinasabi: ‘ang galing ng Pilipino. Hindi kasing ginhawa ‘yung buhay namin kung wala ‘yung Pilipinong tumutulong sa amin. Marami kaming nakikitang Pilipino na sumisikat dahil ang sisipag, ang huhusay, honest, maaasahan,” dagdag ng Pangulo.

TAGS: Asean, Filipino community, Malaysia, OFWs, state visit, Asean, Filipino community, Malaysia, OFWs, state visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.