Sakop ng epekto ng super typhoon Egay lumawak

By Jan Escosio July 26, 2023 - 05:44 AM
Halos walang nagbago sa mga datos kaugnay sa super bagyong Egay habang nasa gilid ng Aparri, Cagayan. Bagamat humina sa 175 kilometro kada oras ang taglay nitong lakas ng hangin malapit sa gitna, lumakas naman sa 240 kilometro kada oras ang bugso nito. Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyon na pa-kanluran, ayon sa 5am bulletin ng PAGASA at ang epekto nito ay mararamdaman hanggang sa layong 700 kilometro mula sa gitna. Wala ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 na idineklara kahapon sa Sta. Ana, Cagayan. Signal No. 4 Luzon: Hilagang bahagi ng  Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Praxedes) kasama ang Babuyan Islands, hilagang bahagi ng  Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela), at hilagang bahagi ng  Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams, Pasuquin, Vintar, Bacarra) Signal No. 3 yLuzon: Batanes, natitirang bahagi ng  Cagayan, natitirang bahagi ng Apayao,hilagang bahagi ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan), hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Danglas, Bangued, La Paz, San Juan, Dolores, Tayum, Lagangilang, Malibcong, Licuan-Baay, Peñarrubia, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bucay, San Isidro, Sallapadan), natitirang bahagi ng Ilocos Norte, at ang natitirang bahagi ng Ilocos Sur (Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait, San Vicente, Santo Domingo, San Ildefonso, Bantay, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Narvacan) Signal No. 2 Luzon: Isabela,natitirang bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, natitirang bahagi ng  Abra, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, at La Union Signal No. 1 Luzon: Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, the northern portion of Batangas (Talisay, City of Tanauan, Santo Tomas, Balete, Malvar, Lipa City),  hilaga at gitnang bahagi ng  Quezon (Pitogo, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Lucena City, Pagbilao, Lucban, Sampaloc, City of Tayabas, Dolores, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio) kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, hilagang bahagi ng  Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Caramoan, Cabusao, Sipocot, Garchitorena, Ragay, Del Gallego, Calabanga, Presentacion, Lupi), at ang hilagang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran)

TAGS: egay, Pagasa, super typhoon, egay, Pagasa, super typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.