Pangulong Marcos Jr., dumating na sa Malaysia para sa dalawang araw na state visit

By Jan Escosio July 25, 2023 - 07:36 PM

PPA PHOTO

Dumating na kaninang hapon sa Malaysia si Pangulong Marcos Jr., para sa unang araw ng kanyang tatlong araw na state visit.

Nabatid na alas-4:51 ng lumapag ang eroplano ng Pangulo at ng kanyang delegasyon sa  Kuala Lumpur International Airport.

Ang pagbisita ay pagpapa-unlak  ni Pangulong Marcos Jr., sa imbitasyon ni Prime Minister Anwar Ibrahim.

Magugnita na bumisita sa Pilipinas si Ibrahim noong Marso.

Unang haharap bukas si Pangulong Marcos Jr., sa Filipino community sa Kuala Lumpur.

Kasunod ang State Welcoming ceremony na dadaluhan ni Malaysian King Al-Sultan Abdullah sa  Istana Negara o ang  National Palace.

Magkakaroon ng pulong ang dalawang lider, na susundan ng State Banquet, bilateral meeting kay Ibrahim, at isang joint press briefing.

TAGS: Anwar Ibrahim, Malaysia, state visit, Anwar Ibrahim, Malaysia, state visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.