PBBM nasa Malaysia, VP Sara caretaker muna ng Pilipinas

CHONA YU PHOTO

Sa tatlong araw na pagkawala ni Pangulong Marcos Jr., si Vice President Sara Duterte ang “caretaker” ng bansa.

Patungo sa Malaysia si Pangulong Marcos Jr., sa Malaysia para sa isang state visit mula ngayon araw hanggang sa Huwebes, Hulyo 27. Sinabi ni  Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, pangangasiwaan ni Duterte ang pamamahala sa gobyerno. Inimbitahan ni Malaysian King Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah si Pangulong Marcos Jr., na bumisita sa kanilang bansa. Kasama ni Pangulong Marcos na magtutungo sa Malaysia si First Lady Liza Marcos, ilang miyembro ng gabinete at mga negosyante.

Read more...