Panibagong kaso ng plunder vs. CGMA inihahanda na ng Ombudsman

arroyo1
Inquirer file photo

Isang panibagong kaso ng pandarambong o plunder ang ikinakasa ng Office of the Ombudsman laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ibinunyag ni Atty. Laurence Arroyo, abogado ng dating pangulo na naka-kasa na para sa preliminary investigation ang P57 Million plunder case na may kinalaman sa umano’y nawawalang intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2004 hanggang 2007.

Iba pa ito sa P366 Million plunder charge nakahain na sa Sandiganbayan kung saan ay sangkot din ang intelligence fund ng PCSO mula 2008 hanggang 2010.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Arroyo na taktika ito ng pamahalaan para patuloy na gipitin ang dating lider ng bansa.

Sinabi rin ng naturang abogado na magkakasabay na nilang inihain sa Supreme Court ang petition for bail, house arrest at demurrer to evidence at inaasahan nila ang desisyon dito sa mga susunod na linggo.

Read more...