Umapila si Pangulong Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang mga prayoridad na panukalang batas kabilang na ang dagdag buwis at reporma sa military and uniformed personnel (MUP) pension.
Sa ikalawang State of the Nation Address (SONA), itinulak ni Pangulong Marcos Jr., ang Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) kabilang na ang excise tax sa single-use plastics, at value-added tax (VAT) sa digital services.
Nais din ng Pangulo na magkaroon ng rationalization sa mining fiscal regime at motor vehicle user’s charge o road user’s tax.
Sa naturang panukala, nasa P12.4 hanggang P15 bilyon ang makokolektang buwis sa unang taon ng implementasyon nito.
Nais din ng Pangulo na magkaroon ng reporma sa military and uniformed personnel pension.
MOST READ
LATEST STORIES