Amnestiya sa lahat ng susukong rebelde – Pangulong Marcos Jr.
Bibigyan ng amnestiya ni Pangulong Marcos Jr. ang mga rebelde na magbabalik loob sa pamahalaan.
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na maglalabas siya ng proklamasyon na magbibigay amnestiya sa mga rebelde para makabalik sila sa lipunan at sa normal na pamumuhay.
Ilang dekada na kasi aniyang nakikibaka ang rebelde.
“We have incorporated capacity-building and social protection into our reintegration programs, to guarantee full decommissioning of former combatants. To complete this reintegration process, I will issue a proclamation granting amnesty to rebel returnees. I ask Congress to support us in this endeavor,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang mga opisyal sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Kindanao sa pagtataguyod ng kapayapaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.