“Egay” isa ng super typhoon, Signal No. 4 sa Cagayan
By Jan Escosio July 25, 2023 - 11:30 AM
Isa nang ganap na “super typhoon” ang bagyong Egay habang papalapit sa Cagayan.
Sa inilabas na Tropical Cyclone Bulletin No. 19 ng PAGASA ngayon alas-11 ng tanghali, huling namataan ang bagyo sa layong 270 kilometro Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Lumakas ang dala nitong hangin sa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 230 kilometro kada oras.
Napanatili naman ang bilis nito sa 15 kilometro kada oras at kumikilos ng hilaga-kanluran.
Sa ngayon, nakataas na ang Signal No. 4 sa hilagang bahagi ng mainland Cagayan.
Signal No. 3
Luzon:
Babuyan Islands, hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Gonzaga, Peñablanca, Gattaran, Lal-Lo, Alcala, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Claveria, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Baggao, Amulung, Iguig), hilagang bahagi ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan), at hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
Signal No. 2
Luzon:
Batanes,natitirang bahagi ng mainland Cagayan, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong), natitirang bahagi ng Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan), Ilocos Norte, Ilocos Sur, at hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
Signal No. 1
Luzon:
La Union, Pangasinan, natitirang bahagi ng Benguet, natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Aurora, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, at Ticao Island
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.