DILG hinamon ng VACC na ilabas ang blue book ng mga drug personalities

By Den Macaranas June 23, 2016 - 03:07 PM

Boy Evangelista
Inquirer file photo

Ilang mga lokal officials ang kabilang ang ilang mga alkalde at mga konsehal ang direktang sabit sa illegal drug trade sa bansa ayon sa Volunteer Against Crime and Corruption (VACC).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni VACC Spokesman Boy Evangelista na matagal ng alam ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nasabing impormasyon at tiniyak niyang alam na rin ito ng Philippine National Police.

Pero nagtataka si Evangelista dahil hanggang ngayon ay puro mga maliliit lamang na mga pangalan ang nahuhuli o di kaya naman ay napapatay sa mga anti-illegal drugs operations.

“Gusto na naming maniwala na talagang pinatay ang ilan sa kanilang para pagtakpan ang ilan sa kanilang mga protector”, pahayag ni Evangelista.

Sa isang pagdinig sa Senado kamakailan, sinabi ni Evangelista nagtataka sila kung bakit ayaw ilabas ng DILG ang sinasabing “blue book” na nauna nang napasakamay ni dating DILG Sec. Jesse Robredo mula sa isang illegal drugs operation.

Bukod sa mga local offcials, laman din daw ng naturang listahan na nasa pag-iingat ng DILG ang mga pangalan ng ilang mga law enforcement agency officials na sabit sa iligal na droga.

Idinagdag pa ni Evangelista na kailangang mailabas ang nasabing listahan dahil kung hindi ay tuluyan nang mababale-wala ang paghahabol ng pamahalaan sa mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng droga sa bansa.

TAGS: blue book, DILG, Illegal Drugs, vacc, blue book, DILG, Illegal Drugs, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.