COVID 19 health protocols binawi na lahat – DOH

By Jan Escosio July 24, 2023 - 06:21 PM

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na binawi na ang lahat ng health o medical protocols na ipinatupad bunga ng COVID 19 crisis.

Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, tanging ang epektibo na lamang ay ang ibinigay na emergency use authorization sa mga COVID 19 vaccines.

Gayundin, ang hindi pa nababayaran na Health Emergency Allowance sa healthcare workers.

Pinalawig ang bisa ng EUA sa mga bakuna ng isang taon para magamit na ang natitira pang mga bakuna.

Kaugnay naman sa mga debate ukol sa pagsusuot ng mask sa mga pampublikong sasakyan, ayon sa DOH, ito kabilang na rin sa mga binawi matapos bawiin na ni Pangulong Marcos Jr., ang idineklarang state of health emergency noong 2020.

 

TAGS: COVID-19, doh, health protocols, mask, public transport, COVID-19, doh, health protocols, mask, public transport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.