P1.35/l dagdag presyo sa gasolina, P0.45 sa diesel

Masusundan bukas, Hulyo 25, ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo.

Sa abiso ng mga kompaniya ng langis, P1.35 ang madadagdag sa halaga ng kada litro ng gasolina, P0.45 sa diesel at P0.35 naman sa kerosene.

Ang dagdag-presyo ay bunga ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Simula noong Enero hanggang sa pagtaas ng bukas, P8.90 na ang nadagdag sa kada litro ng gasolina, nabawasan naman ng P0.40 ang diesel.

 

 

 

Read more...