Bagyong Egay puwedeng idahilan sa pag-absent sa trabaho ng private workers
Lusot sa anumang uri ng pagdi-disiplina ang mga empleado sa pribadong sektor sa Metro Manila na hindi pumasok sa trabaho dahil sa bagyong Egay.
Ito ang nakasaad sa inilabas na abiso ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa katuwiran na mabigat na kadahilanan ang masamang panahon sa hindi pagpasok sa trabaho lalo na kung malakas ang buhos ng ulan.
“Employees who fail or refuse to work by reason of imminent danger resulting from weather disturbances and similar occurrences shall not be subjected to any administrative sanction,” ayon pa rin sa abiso.
Samantala, ang pumasok na trabahador ay makakatanggap ng buong suweldo kahit nag-trabaho lamang sila ng anim na oras.
Ang mga nag-trabaho naman ng mababa sa anim na oras ay tatanggap lang ng bahagi ng kanilang daily wage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.