Dating Pangulong Duterte posibleng hindi makadalo ng SONA – Go

By Jan Escosio July 24, 2023 - 10:31 AM

Hindi makakadalo si dating Pangulong Duterte  sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., sa Batasan Pambansa mamayang hapon.

Ito ang ibinahagi ni Sen. Christopher Go, na kilalang malapit kay Duterte.

Ani Go mas pinili ni Duterte na magpahinga na lamang sa kanyang bahay sa Davao City dahil kadarating lamang nito mula sa biyahe sa China.

Samantala, naibahagi ni Go na ang inaasahan  niya sa SONA ni Pangulong Marcos Jr., ay mga programa na makakapagpabuti sa buhay ng mga mahihirap na Filipino.

Gayundin, nais niyang marinig ang mga plano ng administrasyon para makabangon na ng husto ang ekonomiya matapos malugmok ng pandemya.

 

TAGS: China, duterte, go, SONA, China, duterte, go, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.