Chiz: Mapait na katotohanan ilatag din sa SONA

By Jan Escosio July 24, 2023 - 09:49 AM

Ang magandang SONA hindi lang naguulat, pero nagmumulat, at nanggugulat din.

Ito ang sinabi ni Senator Francis Escudero at aniya hindi lamang dapat lahat magandang balita pero haluan din ng mapait na katotohan.

Hindi dapat aniya mangamba si Pangulong Marcos Jr., dahil makakayang tanggapin ng sambayanan ang katotohanan.

Kailangan lang aniya ay hikayatin niya na magkaisa ang lahat sa pagharap ng mga kahaharaping hamon.

“Sapagkat batid ng taumbayan na ang SONA na  ang laman lang ay magandang balita ay umiiwas sa paglalarawan ng buong katotohanan.” dagdag pa ni Escudero.

Dapat din aniya na maging balanse ang SONA, kung ano ang mga nagawa na at kung ano pa ang dapat gawin.

TAGS: escudero, makatotohanan, SONA, escudero, makatotohanan, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.