Luzon Leg ng DOST Handa Pilipinas sa Hulyo 27 – 29 sa Pasay City

DOST PHOTO

Ngayon taon, iikot sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas ang Department of Science and Technology (DOST) para sa HANDA PILIPINAS: Innovations in Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Exposition.

Isasagawa ang HANDA Pilipinas- Luzon Leg sa World Trade Center sa darating na Hulyo 27-29 kasabay ng National Resilience Month na ginugunita sa bansa sa buwan ng Hulyo kada taon.

Ang tema ng HANDA Pilipinas ngayon taon ay “Risk Reduction in Megacities.”

Layon nito na maiangat at mapalawak ang kaalaman ukol sa DOST-developed technological innovations kaugnay sa  risk reduction and management at para na rin  disaster preparedness, response, rehabilitation, and recovery.

Sa loob ng tatlong araw,  magakakaroon ng diskusyon ukol sa mga banta ng kalamidad sa mga malalaking lungsod sa Luzon at bilang tugon naman ng mga lokal na pamahalaan ay ipararating nila sa DOST ang kanilang mga pangangailangan sa Disaster Risk Reduction and Management para sa tinatawag na “needs-based projects.”

Sa DRRM TexhXpo naman ay maibabahagi sa mga komunidad ang DOST-developed technologies.

Gayundin mga mga inimbitahang scientists at experts para sa AGHAMmoba: Debunking Myths and Miconceptions from Disaster Movies!

Ibabahagi at ipapaliwanag din ang MAGHANDA module na kinapapalooban ng  warning messages, applications at innovations  para sa angkop at nararapar na paghahanda sa anumang kalamidad.

 

Read more...