Naging Tropical Depression Egay na ang low pressure area na nasa silangan ng Southeastern Luzon.
Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 900 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.
Taglay ng bagyo ang hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.
Wala pa namang itinataas na tropical cyclone wind signal ang Pagasa.
Makararanas ng malakas na pag-ulan ang Catanduanes at Northern Samar.
Mabagal ang pagkilos ng bagyo sa hilaga-hilagang silangan.ww
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.