Pilipinas nahaharap sa banta ng territorial integrity ayon kay Pangulong Marcos

 

 

Patuloy na nahaharap ang Pilipinas sa banta sa territorial integrity, sovereignty, terorismo, local communist insurgency, cybersecurity at climate change.

Sa talumpati ng Pangulo sa joint anniversary celebration ng National Security Council (NSC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa PICC, Pasay City, hinikayat nito ang dalawang ahensya na ipagpatuloy na itaguyod ang interes at seguridad  ng bawat Filipino.

“I know that you are not often credited nor celebrated enough due to the nature of your work and the sensitivity of the jobs that you hold.  Such is the nature of the clandestine services. But please know that your brilliant handiwork, courageous grit, and selfless sacrifice are well-recognized by those who know of the hard work that you have put in to keep our country safe,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We know that you are the silent guardians who protect us against all manner of national threats, the steadfast vanguards who keep our enemies at bay, and the faithful watchers ensuring that we do not veer to disorder and to chaos,”  dagdag ng Pangulo.

Sabi ng Pangulo, mahalaga ang papel na ginagampanan ng NICA at NSC para sa pagpapanatili sa national security concerns.

“With this, let us continue to prepare for the tasks that lie ahead and continue to uphold our national interest and ensuring the security of the Filipino public and that should remain at the top of all of our priorities,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Ang sambayanang Pilipino ay patuloy na umaasa sa inyo sa pagtaguyod ng isang bansa kung saan ang lahat ay nagkakaisa, nagtutulungan, at nagkakapit-bisig para sa pagpapabuti ng kalagayan ng bawat buhay ng Pilipino,” dagdag ng Pangulo.

Read more...