May kapangyarihan ang pangulo ng bansa bilang commander in chief ng militar na magtalaga o magtanggao ng AFP chief of staff.
Ito ang sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada at aniya ang pagtalaga ni Pangulong Marcos Jr., kay Army Lt. Gen. Romeo Brawner ay ayon pa rin sa Republic Act 11939 o ang fixed term sa AFP chief of staff.
Paliwanag ni Estrada malinaw sa probisyon ng batas na ang maximum tour of duty ng AFP chief of staff ay tatlong taon, ngunit maari itong bawiin o putulin ng pangulo ng bansa.
May probisyon din sa batas na awtomatikong retired ang AFP chief of staff kapag natapos na nito ang kanyang tour of duty o kapag ni-relieve na siya ng Pangulo.
Sa dalawang probisyong ito, sinabi ni Estrada na malinaw na kinikilala ang prerogative ng Pangulo sa pagpili sa hihiranging opisyal.
Binigyang-diin ni Estrada na nagampanan na nang maayos ni General Andres Centino ang kanyang tungkulin at iiwan ang AFP nang maayos kay Brawner.
Kumpiyansa rin naman si Estrada na pamumunuan ni Brawner ang AFP nang may integridad, propesiyonalismo at dangal.
Marami na aniyang napatunayan si Brawner bilang military officer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.