Nabahala si Senator Christopher “Bong” Go sa lumulubong bilang ng kaso ng leptospirosis sa bansa at iba pang sakit na iniuugnay sa panahon ng tag-ulan.
“I urge the Department of Health to intensify their campaign program, lalo na ngayong nandirito na rin po ang rainy season,” aniya.
Paalala ng senador napakahalaga ng pag-iingat at kalinisan kayat hindi dapat basta-basta lumulusong sa tubig-baha.
“Bilang Chair ng Senate Committee on Health, nakikiusap ako sa DOH na mas paigtingin pa ang kanilang kampanya laban sa leptospirosis at iba pang sakit ngayong panahon ng tag-ulan. Dapat mas maintindihan ng taumbayan kung saan nakukuha ang naturang sakit, kung paano maiiwasan ito at kung ano ang gagawin kung sakaling may tamaan nito,” paghihimok ni Go.
Nag-alok din ang senador ng tulong sa mga mangangailanhan ng atensyong-medikal, sabay paalala na maaring lumapit sa 158 Malasakit Centers sa ibat ibang bahagi ng bansa.