Sen. Bong Go inihirit sa DOH ang pinaigting na leptospirosis campaign

July 21, 2023 - 10:33 AM
Nabahala si Senator Christopher “Bong” Go sa lumulubong bilang ng kaso ng leptospirosis sa bansa at iba pang sakit na iniuugnay sa panahon ng tag-ulan. “I urge the Department of Health to intensify their campaign program, lalo na ngayong nandirito na rin po ang rainy season,” aniya. Paalala ng senador napakahalaga ng pag-iingat at kalinisan kayat hindi dapat basta-basta lumulusong sa tubig-baha. “Bilang Chair ng Senate Committee on Health, nakikiusap ako sa DOH na mas paigtingin pa ang kanilang kampanya laban sa leptospirosis at iba pang sakit ngayong panahon ng tag-ulan. Dapat mas maintindihan ng taumbayan kung saan nakukuha ang naturang sakit, kung paano maiiwasan ito at kung ano ang gagawin kung sakaling may tamaan nito,” paghihimok ni Go. Nag-alok din ang senador ng tulong sa mga mangangailanhan ng atensyong-medikal, sabay paalala na maaring lumapit sa 158 Malasakit Centers sa ibat ibang bahagi ng bansa.

TAGS: bong go, Leptospirosis, news, Radyo Inquirer, bong go, Leptospirosis, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.