Pilipinas mauna na sa ASEAN sa China dialogue – Imee
Sinabi ni Senator Imee Marcos na dapat ay pangunahan na ng Pilipinas ang pakikipag-usap sa China kasama ang iba pang miyembro ng ASEAN ukol sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Katuwiran ng namumuno sa Senate Committee on Foreign Relations, alanganin ang posisyon ng Pilipinas, dahil sa mga pakikipagkasundo sa Amerika, partikular na ang Ph-US Mutual Defense Treaty (MDT).
Kabilang aniya sa maaring mapag-usapan ng mga bansa ay ang pagsasagawa ng “joint patrol” sa mga bahagi ng rehiyon na pinag-aagawan.
Sa palagay ng senadora, wala pang kailangan na unahin na gawin kung ang mag-usap ang mga sangkot na bansa.
Hindi din dapat aniya mangyari na madamay ang Pilipinas sa sigalot sa pagitan ng malalaking bansa gaya ng US at China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.