Quiapo Church nagbabala sa kumakalat na pekeng Black Nazarene medallion

 

Binalaan ng pamunuan ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene o Quiapo Church ang publiko na mag-ingat sa mga manloloko.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang isang babae na nagngangalang “Faith” na Assistant Admin officer ng Quiapo Church.

Modus ni Faith ang mamigay ng Black Nazarene Healing Necklace pero mayroong shipping fee na P390.

Ayon sa Quiapo Church, walang religious store ang simbahan.

Wala ring iniaalok o ibinibenta ang Quiapo Church ng ano mang uri ng religious items.

Payo ng Quiapo Church sa publiko, mag-ingat at maging mapanuri sa mga kumakalat na fake accounts na gumagamit ng pangalan ng simbahan.

 

Read more...