90 volcanic earthquakes, 169 rockfall events naitala sa Bulkang Mayon
Aabot sa 90 volcanic earthquakes, 169 rockfall events at tatlong pyroclastic density current ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may tatlong ashing events na tumagal ng isa hanggang 25 segundo.
Naging mabagal ang daloy ng lava mula sa crater na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 2.4 kilometro sa Bonga Gully at 600 metro sa Basud Gully.
Nasa 2,622 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.at nasa 1,200 metro ang taas ng plume na napadpad sa timog-kanluran.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.