PBBM Jr., panauhing-pandangal sa PMMA Class 2023 graduation

By Chona Yu July 20, 2023 - 04:06 PM

PCO PHOTO

Hinikayat ni Pangulong Marcos Jr. ang mga nagsipagtapos sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) “Madasiklan” Class 2023 na tulungan ang bansa na panatilihin ang global figure ng Pilipinas sa maritime industry at maging international asset.

Sa talumpati ng Pangulo sa 224 kadete sa 200th Commencement Exercises ng PMMA sa San Narciso, Zambales, sinabi nito na dapat na ipagpatuloy ng mga kadete ang pagsusumikap at pagpupursige na ipinakita habang nasa PMMA.

“Whatever challenges you may face, be open to how you can live up to your class name: ‘Magigiting na may Dangal at Simbolo ng Kawal ng Karagatan. As you do so, help the Philippines maintain its name as a global figure in the maritime industry and an asset to the entire world,” dagdag ng Pangulo.

Sabi pa ng Pangulo, ang pagtatapos ng mga kadete ay bunga ng hard work, sipag, dedikasyon at tiyaga bago pa man pumasok sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard o Merchant Marine Fleet.

Pinasalamatan din ng niya ang pribadong sektor sa tulong para maitaguyod ang may kwalidad na maritime education at training para maging innovative, resilient, at adaptive ang mga kadete.

“As your partner in improving the skills and capabilities of our people in the maritime industry, I call on all the concerned agencies to coordinate closely with the PMMA. Facilitate what will make our maritime education even more responsive to the needs of the nation while ensuring that whatever steps that we take will be in compliance with laws and regulations,” dagdag ng Pangulo.

 

 

TAGS: maritime, pmma, maritime, pmma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.