Mga bagong kongresista ng 17th Congress, sumalang sa mock session

By Isa Avendaño-Umali June 23, 2016 - 11:22 AM

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Isang mock session ang isinagawa sa kamara ngayong araw ng Huwebes, para sa mga bagitong kongresista ng 17th Congress.

Ayon kay House Secretary General Marilyn Barua Yap, ang mock session ay ginawa upang personal na maranasan at maramdamam ng mga baguhang Mambabatas kung ano ang nangyayari tuwing may sesyon sa Mababang Kapulungan.

Ginanap ang mock session sa plenary hall kung saan tumayo ring kunwaring mga Kongresista ang ilang staff ng Kamara.

Dito’y nagkaroon ng kunwaring privilege speech ang isang Mambabatas at meron ding nag-interpelate.

Ang mga dumalong Kongresista ay kabilang sa unang batch ng mga House Members na sumailalam sa apat na araw na Executive Course on Legislation.

Ngayong araw din ang closing rites o graduation ng mga Kongresista matapos makumpleto ang kanilang course.

Kabilang sa unang batch ng mga mambabatas ay sina Atty. Harry Roque ng Kabayan Partylist, Sarah Elago ng Kabataan Partylist, Yul Servo na kinatawan ng Maynila.

May susunod pang dalawang batches ng mga kongresista na sasalang sa mock session sa susunod na dalawang linggo.

 

TAGS: mock session for 17th congress, mock session for 17th congress

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.