Batang Filipina may potensyal na maging santo

By Chona Yu July 20, 2023 - 12:58 PM

CBCP PHOTO

Sumasailalim na ngayon sa proseso sa pagiging santo ang isang batang Filipina kasunod nang  pag-apruba ng mga obispo sa episcopal conference sa Diocese of Kalibo, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ang bata ay kinilalang si Niña Ruiz-Abad, ipinanganak at lumaki sa Quezon City, pero lumipat ang pamilya sa Sarrat, Ilocos Norte noong April 1988.

Sumakabilang buhay ang bata  sa edad na 13 noong 1993 dahil sa hypertrophic cardiomyopathy, isang uri ng sakit sa puso.

Ang kanyang mga labi ay nasa isang sementeryo sa Sarrat.

Ayon sa CBCP, si Abad ay nagpakita noon ng malakas na debosyon sa Panginoon Diyos, mapagkawanggawa, at namahagi ng mga rosaryo, bibliya, prayer books, mga imahen at iba pang religious items.

Noong nabubuhay pa si Abad, mahilig siyang magsuot ng rosaryo sa kanyang leeg, at puting damit.

Sakaling maging ganap na santo, si Abad ay isa sa mga pinaka-batang santo sa kasaysayan.

Nabatid na si Bishop Renato Mayugba ng Laoag ang humiling sa mga obispo na buksan ang sainthood case para kay Abad.

Dahil naman sa pag-apruba ng mga obispo, sisimulan na ang pormal na imbestigasyon sa kanyang buhay, kasama ang pangangalap ng mga impormasyon at pag-interview sa mga testigo o mga nakakakila kay Abad.

Ayon na rin sa CBCP  maaaring umabot ng maraming taon bago ang magdesisyon ang Roma ukol sa beatification at canonization ni Abad.

TAGS: CBCP, Filipina, road to sainthood, CBCP, Filipina, road to sainthood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.