May mga gumagamit ng Office of the Vice President (OVP) sa ilegal na pangonngolekta ng pera.
Ito ang ibinahagi ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte kayat binalaan ang publiko ukol sa modus.
Kasunod ito ng impormasyon na may ilang indibidwal sa Himamaylan, Negros Occidental ang nag-iikot at naniningil ng P50 kada tao kapalit ng pinansyal na ayuda mula kay Duterte.
Hinihimok ng OVP na ipagbigay alam sa mga awtoridad kapag nabiktima ng mga nanghihingi ng pera.
Sabi ng OVP maari naman alamin ang mga programa ng tanggapan sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang satellite offices.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.