Senado naghahanda sa resolusyon ng pagkondena sa mga aksyon ng China sa WPS

July 20, 2023 - 07:51 AM

SENATE PRIB PHOTO

Makakaasa ang sambayanan na magpapasa ang Senado ng mas matapang na resolusyon na kokondena sa patuloy na panghihimasok at pambubully ng China sa Pilipinas.

Ayon kay Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, ito ay bahagi pa rin ng naunang resolusyon ni Sen. Risa Hontiveros na humihimok sa gobyerno na dalhin na sa United Nations General Assembly (UNGA) ang isyu. Aniya, magiging bahagi ng “whereas clauses” ng resolusyon ang mga matatapang na salita na nagpapahayag ng pagkondena, pagkadismaya, at galit na lumabas din sa naging resulta ng ginawang Pulse Asia survey tungkol sa pananaw ng mga Filipino laban sa China. Sinabi pa ni Zubiri na 95 percent ng mga senador ang nagkakaisa pagdating sa pagk0ndena sa aniya’y “creeping invasion” o unti-unting pagsakop ng China sa teritoryo ng Pilipinas. Tiwala si Zubiri na bukas si Hontiveros sa pag-amyenda sa kanyang inihaing resolusyon at hindi na kakailangan na maghain pa ng bagong resolusyon. Samantala, sa Martes o isang araw matapos ang ikalawang State of the Nationa Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., balak nang mapagtibay sa Senado ang resolusyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.